SB19, itinalagang tourism ambassadors ng Pilipinas
Itinalaga ng Department of Tourism (DOT) ang P-pop group na SB19 bilang bagong tourism ambassadors ng Pilipinas.

Ayon sa DOT, kinikilala ang grupo bilang isa sa mga pinakamahusay na kinatawan ng kulturang Pilipino dahil sa kanilang musika at malawak na impluwensya sa mga tagahanga sa iba’t ibang bansa.
Naniniwala ang ahensya na makatutulong ang global reach ng SB19 upang mahikayat ang mas maraming turista, kabilang ang mga Pinoy sa ibang bansa at mga dayuhang tagahanga, na bisitahin ang Pinas.
Kasabay ng pagkakatalaga, ipinadala rin ng DOT ang “Galingbayan” box sa grupo bilang bahagi ng pagkilala sa kanilang bagong tungkulin.

Kasama na ngayon ng SB19 ang P-pop girl group na BINI bilang mga tourism ambassador ng bansa.
Samantala, nakatakdang maging unang Filipino act ang P-pop Kings na magtatanghal sa Lollapalooza Music Festival sa Chicago ngayong Biyernes, July 31 (Philippine time). #
