Pope Leo XIV, ooperahan sa baga matapos makitaan ng ‘localized nodule’
Sasailalim sa operasyon si Pope Leo XIV sa mga susunod na araw makaraang matuklasan ng kanyang mga doktor ang isang maliit na bukol sa kanyang baga.
Mismong ang Santo Papa ang nag-anunsyo nito nitong Linggo, October 11. Aniya, natukoy ang ‘localized nodule’ sa napakaagang yugto at limitado lamang sa isang parte ng kanyang baga.
Isasagawa ang kanyang operasyon sa Agostino Gemelli Polyclinic Hospital sa Rome.
Kasunod nito, nanawagan ang mga lider at Catholic institutions sa iba’t ibang panig ng mundo ng panalangin para sa kaligtasan at mabilis na paggaling ni Pope Leo.
Isa sa mga naglabas ng pahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Lunes, October 12.
“Let us pray that the Lord may guide his surgeons and all who care for him, sustain him with strength and peace, and restore him to health as he continues to shepherd the universal Church,” saad ng CBCP.
Nagpasalamat naman ang Santo Papa sa suporta ng mga mananampalataya at hiniling ang patuloy na panalangin habang naghahanda sa operasyon. #

