Kapampangan beauty queen, kinoronahang Miss Asia Pacific Int’l 2026 3rd runner-up
By Kath Chiang, CLTV36 News
Muling nagningning ang galing at gandang Kapampangan sa international pageant matapos makamit ng Philippine representative na si Gabrielle Galapia ang titulong 3rd runner-up sa Miss Asia Pacific International 2026.
Bukod sa kanyang puwesto sa kompetisyon, naiuwi rin ni Galapia ang mga parangal na Best in Swimsuit at Best in Evening Gown sa preliminary competition, na nagpakita ng kanyang kumpyansa at husay sa entablado.
Kinilala rin siya bilang Darling of the Press at 1st runner-up sa National Costume Competition. Tinanggap din ni Galapia ang special awards na Ms. BE Resorts & Hotel at Ms. JPark Island Resort and Waterpark na nagdagdag sa kanyang mga natamong pagkilala sa beauty pageant.
Samantala, kinoronahan bilang Miss Asia Pacific International 2026 ang pambato ng Thailand na si Sasiwararin Atsawahirankarn. 1st runner-up si Gia Angelique Franceschi ng Costa Rica, na sinundan ni Nompumelelo Malindi ng South Africa bilang 2nd runner-up. Itinanghal namang 4th runner-up si Itzel Idolina Silva Borbon ng Mexico. #

