Pampanga bettor, nanalo ng higit ₱37-M sa 6/45 MegaLotto
Isang residente ng Pampanga ang instant milyonaryo matapos mapanalunan ang mahigit ₱37 million na jackpot prize sa 6/45 MegaLotto nitong February 11, 2026.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ng lucky winner ang ticket sa SM Clark, Angeles City.
Tumama ang mananaya sa kombinasyong 17-15-32-45-40-12, na may kabuuang premyong ₱37,032,365.47.
Mayroong one year deadline ang nanalo para i-claim ang jackpot prize sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.
Gayunpaman, alinsunod sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, papatawan ito ng 20% tax dahil lumalagpas sa ₱10,000 ang napanalunan.
Isinasagawa ang 6/45 MegaLotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Ayon sa PCSO, bahagi ng kinikita rito ay napupunta sa mga health program, serbisyong medikal, at iba pang programa ng pamahalaan. #
