Limang drug suspects, inaresto ng Angeles City Police
By Karylle Garcia, CLTV36 News intern
Limang drug suspects ang nadakip sa mas pinaigting na anti-illegal drugs operations ng Angeles City Police Office (ACPO) nitong Martes, March 18.

Nahuli ng mga otoridad mula sa Police Station 2 ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Edong” at “Seano” kasunod ng buy-bust operation sa Villapaz St., Brgy. Sta. Teresita, Angeles City.
Nasamsam mula sa kanila ang dalawang sachet ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱13,600.
Samantala, nagsagawa rin ng isa pang anti-drug operation sa Brgy. Malabanias ang mga pulis kung saa naaresto ang tatlong drug suspects na sina alyas “Mata (SLI),” “Marlon,” at “Randy”.
Nakumpiska sa kanila ang ₱20,400 na halaga ng hinihinalang shabu at tatlong pakete ng suspected dried marijuana na nasa ₱1,314.
Ang mga na-recover na iligal na droga at ang mga arestadong suspek ay dinala sa ACPO na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman na hinihikayat ng pulisya ang publiko na i-report sa kanila ang anumang aktibidad na sangkot ang iligal na droga.