Impeachment threshold, ibinaba sa 14 boto
binaba ng Senate Impeachment Court sa 14 votes ang kinakailangang boto para mahatulang guilty si Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial.

Sa naging desisyon ngayong Miyerkules, September 23, napagpasyahan ng mga senator-judge na mga senador lamang na aktuwal na nakikilahok sa paglilitis ang isasama sa basehan ng two-thirds requirement.
Dahil tatlo sa 24 senador ang hindi nakikilahok sa paglilitis sa bise, bumaba sa 14 mula sa dating 16 boto ang kinakailangan para sa conviction.
Nakasaad sa 1987 Constitution na walang impeachable official na maaaring mahatulan nang walang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado.
Samantala, magkakaiba naman ang naging posisyon ng mga inimbitahang dating mahistrado ng Korte Suprema sa interpretasyon ng naturang probisyon.
Ang usapin ay muling binuksan matapos humiling si Senator-Judge Erwin Tulfo ng reconsideration sa naturang ruling. #
