Absolute pardon kay Mary Jane Veloso, pinag-iisipan ni PBBM
Kinokonsidera raw ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang posibilidad na pagkalooban ng ‘absolute pardon’ ang detainee at dating Overseas Filipino Worker na si Mary Jane Veloso, batay sa humanitarian grounds.

Ito ang inihayag ni Bataan Rep. Albert Garcia nang tanungin ni Gabriela Rep. Sarah Elago tungkol sa hiling na pardon ng pamilya ni Veloso, kasabay ng pagdinig ng Kamara sa budget ng Office of the President para sa 2027.
Si Garcia ang budget sponsor ng opisina ng Pangulo sa House of Representatives.
Tubong Nueva Ecija si Mary Jane, na hinatulan ng parusang bitay sa Indonesia noong 2010 matapos may makuhang heroin sa kanyang bagahe. Nabigyan siya ng huling sandaling “reprieve” matapos sumuko ang umano’y kanyang mga recruiter.
Matapos ang diplomatic talks ng Pilipinas at Indonesia noong 2022, nakabalik sa Pilipinas si Veloso noong December 2024. Kasalukuyan siyang nakapiit sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City. #
