Ilang paaralan sa Central Luzon, top performers sa February 2026 Criminologists Licensure Exam
By John Ken Domingo, CLTV36 News intern
Nangibabaw ang ilang kolehiyo at pamantasan sa Central Luzon sa February 2026 Criminologists Licensure Examination, batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong March 13.
Pumwesto sa Rank 1 ang Tarlac State University para sa mga paaralang may 51 to 100 examinees matapos itala ang 100% passing rate, kung saan lahat ng 93 takers ang pumasa.
Rank 1 din ang Concepcion Holy Cross College sa Tarlac para sa mga paaralang may 30 to 50 examinees matapos pumasa ang lahat ng kanilang 39 examinees.
Nasa Rank 5 naman ang Araullo University sa Cabanatuan City, Nueva Ecija para sa mga paaralang may 200 or more examinees. Nakakuha ang pamantasan ng 91.05% passing rate matapos pumasa ang 234 out of 257 examinees.
Kasama rin sa listahan ang Wesleyan University-Philippines sa Rank 7 ng mga eskwelahang may 30 to 50 examinees. Nakakuha sila ng 90.63% passing rate mula sa 32 takers, kung saan 29 ang pumasa.
Hindi rin nagpahuli ang Jose C. Feliciano College Foundation sa Mabalacat City, Pampanga sa Rank 8 na may 88.10% rating. 37 naman mula sa 42 examinees nila ang matagumpay na pumasa.
Samantala, nanguna sa overall ranking si Khim Erole Lawyan Bateral ng Lanao School of Science & Technology sa Lala, Lanao del Norte matapos magtala ng 93.05% rating, ayon sa PRC.
Sa kabuuan, 30,320 o 66% out of 45,936 na kumuha ng February 4–6 Criminologists Licensure Exam ang nakapasa. #
