Alex Eala, bronze medalist sa 20th Asian Games; pasok sa World’s Most Influential Rising Stars ng Time Magazine
May panibagong medalya na naman para kay Pinay tennis ace Alex Eala matapos niyang makamit ang bronze sa women’s singles ng 20th Asian Games sa Nagoya, Japan.
Nagtapos ang kanyang gold medal bid sa kamay ni Wang Xiyu ng China sa scores na 6-3, 3-6, at 2-6.
Maganda ang naging simula 21-anyos na Pinoy pride matapos kunin ang unang set at umabante ng 5-0. Ngunit nakabawi si Wang at tuluyang binaligtad ang laban sa loob ng dalawang oras at 34 minuto.
Gayunman, nanatiling positibo ang kampanya ni Eala sa torneo dahil ito na ang kanyang ikalawang sunod na Asian Games singles bronze matapos ang medalya niya sa Hangzhou noong 2023.
Aminado rin ang tennis star na mas naging mature at mas kumpleto na ang kanyang laro kumpara sa kanyang unang Asian Games stint.
Kasabay naman ng kanyang kampanya sa torneo ang isa pang malaking milestone sa kanyang karera.
Ito ay ang pagkakasama niya sa TIME100 Next, na listahan ng rising personalities na kinikilalang may potensyal na magkaroon ng malaking impluwensya sa mundo sa hinaharap.
Mas naging espesyal pa ito para kay Eala dahil ang kanyang profile para sa Time100 Next ay isinulat mismo ng kanyang mentor at tennis legend na si Rafael Nadal.
Sa ngayon, nasa panglabingwalong pwesto ang Pilipinas sa medal tally ng 20th Asian Games, na may tatlong gold, limang silver, at labing-apat na bronze. #

