Carlos Yulo at Chloe San Jose, closer to forever sa kanilang Japan prenup shoot
Getting closer to forever!
‘Yan ang nakakakilig na caption ng showbiz personality na si Chloe San Jose sa kanilang prenup shoot ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.
And this time, sa Japan naman nag-level up ang kanilang love story.
Sa latest photos na ibinahagi ni Chloe sa Instagram, tila nagkaroon ng Japanese romance film moment ang dalawa, suot ang traditional kimono at todo-pose sa kanilang romantic prenup shoot.



At hindi lang basta aesthetic ang kanilang mga larawan, dahil may kasamang heartfelt message si Chloe para sa kanyang soon-to-be husband.
Kwento niya, mas pinili raw nilang manatili sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok at sabay na harapin ang bawat chapter ng kanilang buhay.
Kaya naman grateful daw si Chloe na kasama niya si Caloy sa pag-celebrate ng kanilang victories, pagharap sa difficult days, at pagbuo ng future na mas malaki pa raw sa mga pangarap nila ngayon.
At kung sweet na ang prenup photos, mas nakakakilig naman ang kaniyang pahabol na mensahe. Soon, she gets to call the two-time Olympic gold medalist her husband.
Matatandaang December 2025 nang mag-propose si Carlos kay Chloe, gamit ang dalawang engagement rings.
Pero September this year lang nila opisyal na inanunsyo ang kanilang engagement sa publiko.
Limang taon nang magkasintahan ang dalawa, matapos magsimula ang kanilang relasyon noong 2020. #
