Zaldy Co, nahuli na matapos maharang sa German border: PBBM
Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na naharang sa border ng Germany ang pugante at dating Ako Bicol Partylist Representative na si Zaldy Co matapos itong pumasok sa Czech Republic.

Batay sa post ni PBBM ngayong Biyernes, April 17, agad umanong tinanggihan ng German authorities ang kanyang pagpasok at ibinalik siya sa kustodiya ng mga otoridad sa Czech Republic.
Unang napabalitang naaresto si Co gabi nitong Huwebes, April 16.
Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa mga otoridad sa Europa kaugnay na kaso ni Co. Naka-detain ngayon ang dating kongresista sa Czech Republic.
Nasasangkot si Co sa umano’y katiwalian at iregularidad sa ilang flood control projects. Siya ang dating chair ng House Committee on Appropriations na nangangasiwa sa National Budget. #
