5th SONA ni PBBM, simple ngunit marangal: Malacañang
Isang mas payak ngunit marangal na pagtitipon raw ang aasahan para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Lunes, July 27.

Malayo ito sa mga pampublikong kaganapan nakasanayang balot sa karangyaan, sikat na mga personalidad, at malalaking stage production.
Ayon sa kay Palace Press Officer Claire Castro, minabuti ng Palasyo na ituon ang focus sa mismong mensahe at kahulugan ng taunang ulat sa bayan.
Dahil dito, walang celebrity director at walang ring mga tanyag na A-list performer na magtatanghal sa nalalapit na ulat ng Pangulo.
Ayon pa kay Castro, patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Malacañang sa House of Representatives upang maayos na maipahanda ang Batasang Pambansa.
Tiniyak ng pamahalaan na mananatiling solemn at angkop para sa isang pambansang okasyon ang magiging daloy ng programa.
Bagama’t pribado pa ang ilang detalye ng pagtitipon, kinumpirma ng Palasyo na may napili na raw na aawit ng Pambansang Awit.
Gayunman, minabuti muna ng pamahalaan na ihahabol na lamang ang pagpapakilala sa napiling mang-aawit sa mga susunod na araw.
Noong nakaraang taon, ang grand winner ng The Voice U.S.A. Season 26 na si Sofronio Vasquez ang umawit ng Lupang Hinirang sa 4th SONA ng Pangulo.
Nakatakdang ilahad ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalimang SONA ang mga pangunahing accomplishment ng kanyang administrasyon, kasama na ang mga bagong legislative agenda at prayoridad na pangkabuhayan para sa natitira niyang termino.
Kasabay nito, nakatutok na rin ang Philippine National Police sa paglalatag ng seguridad sa buong paligid ng Batasang Pambansa.
Kaugnay niyan, naghanda na ang Philippine National Police ng libo-libong tauhan upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa mismong araw ng okasyon. #
