4 arestado sa pagpatay sa dalagita sa Bustos, Bulacan; ama ng biktima, kabilang sa suspek
By Vin Dela Peña, CLTV36
BUSTOS, BULACAN — Timbog ang apat na suspek sa pagpatay sa 16-anyos na dalagita, kabilang ang ama ng biktima, matapos ang hot pursuit operation ng Bustos Police.

Ayon sa pulisya, nadakip noong April 20 ang isa sa mga suspek na kalaunang nagturo sa kinaroroonan ng kanyang mga kasamahan. Naging daan ito upang magsagawa ng follow-up operations ang mga otoridad na siyang ikinaaresto ng iba pang sangkot.
Kabilang dito ang ama ng biktima na unang nag-report sa mga pulis tungkol sa pagkawala ng kanyang anak.
Nagsimulang mawala ang biktima noong April 11. Natagpuan ang kanyang bangkay sa madamong lugar malapit sa Angat River sa Barangay San Pedro, Bustos noong April 18.
Inihahanda na ang mga kasong rape at homicide laban sa mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
“We assure the public that justice will be pursued relentlessly, and those responsible will be held accountable,” pahayag ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jess B. Mendez. #
