Libo-libong mangrove, itinanim sa Zambales para sa coastal rehabilitation
Mahigit 9,000 mangrove propagules ang itinanim sa isang ektaryang bahagi ng Masinloc at Oyon Bay Protected Landscape and Seascape (MOBPLS) sa Zambales bilang bahagi ng pagpapanumbalik ng mga nasirang coastal ecosystem.

Isinagawa ang pagtatanim sa Barangay South Poblacion sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources katuwang ang mga LGU, paaralan, at ibaāt ibang organisasyon.
Target nitong paigtingin ang kakayahan ng baybayin laban sa erosion, storm surge, at epekto ng climate change, habang pinapangalagaan ang biodiversity sa lugar.

Gumamit ang mga kalahok ng mangrove species na angkop sa kondisyon ng lupa at tubig sa naturang protected area.
Bahagi ang Masinloc at Oyon Bay Protected Landscape and Seascape ng mga pangunahing marine protected area sa rehiyon na nagsisilbing tirahan ng ibaāt ibang yamang-dagat at mahalagang panangga ng mga komunidad sa baybayin.
Ayon sa DENR, mahalaga ang tuloy-tuloy na rehabilitasyon at pakikilahok ng komunidad upang mapanatili ang benepisyo ng mga mangrove sa kalikasan at kabuhayan. #
