2 indibidwal, natagpuang patay sa loob ng kotse sa TPLEX; sanhi ng insidente, inaalam ng pulisya
Iniimbestigahan na ngayon ng Tarlac Police Provincial Office (TPPO) at ng Tarlac Forensic Unit ang pagkamatay ng dalawang indibidwal na natagpuang wala nang buhay sa loob ng isang sasakyan.
Nadiskubre ang mga labi ng mga biktima sa kahabaan ng TPLEX Southbound, partikular sa Brgy. San Francisco, Victoria, Tarlac nitong Miyerkules, June 17.
Batay sa latest statement ng Tarlac PPO, positibo nang kinumpirma ng mga kamag-anak ang pagkakakilanlan ng dalawang biktima, ngunit hiniling nila na panatilihing pribado muna ang mga pangalan at iba pang detalye upang bigyan sila ng sapat na panahon at espasyo sa kanilang pagdadalamhati.


Kasalukuyan pang hihintay ang resulta ng isinasagawang forensic examination upang matukoy ang sanhi ng pagkasawi ng dalawa at mabatid ang buong katotohanan sa likod ng insidente.
Kaugnay nito, mariing pinapaalalahanan ng kapulisan ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga haka-haka o maling impormasyon sa social media na maaaring magdulot ng kalituhan at dagdag na sakit sa naulilang pamilya. #
