10 lider-estudyante sa Central Luzon, kinilala bilang outstanding students ng rehiyon
Sampung mag-aaral mula sa iba’t ibang higher academic institutions sa buong Central Luzon ang napili bilang regional awardees para sa 59th Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP).
Kinikilala ng TOSP ang mga natatanging kabataan na nagpapakita ng kahusayan sa academics, leadership, at pakikilahok sa komunidad.
Kabilang sa mga tumanggap ng parangal sina:
- Mahmooda Aziza R. Bhatti (Bulacan State University)
- Lorilie May M. Dayrit (Republic Central Colleges)
- Jayron Mark R. Dela Cruz (Tarlac Agricultural University)
- Neil Ivan G. Florencio (Bulacan State University)
- Zach P. Lopez (Pampanga State University)
- Mary Kay C. Pascual (Nueva Ecija University of Science and Technology)
- Godwin C. Pring (Holy Angel University)
- Jose Primo T. Samia (Pampanga State University)
- Marl Joshua C. Uclaray (President Ramon Magsaysay State University)
- Aljone V. Viterbo (Central Luzon State University)
Ginanap ang awarding ceremony sa Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) sa Mariveles, Bataan nitong Lunes, September 28.
Samantala, inaasahang magsisilbing kinatawan ng Gitnang Luzon ang napiling awardees sa national category ng 59th Ten Outstanding Students of the Philippines.
(END)

