Team Philippines, 17th place sa 20th Asian Games sa Japan
Nagtapos sa 17th place ang final ranking ng Team Philippines sa katatapos na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Nakakuha ang bansa ng kabuuang 29 na medalya, na may apat na ginto, siyam na pilak, at 16 na bronze. Kabilang sa mga naghatid ng ginto sina Carlos Yulo na nagkampeon sa dalawang gymnastics event, EJ Obiena sa pole vault, at Jeus Gabriel Derick Yape sa taekwondo.
Nakakuha rin ang Pilipinas ng mga medalya sa mas maraming sports kumpara sa nakaraang Asian Games. Kabilang dito ang mga breakthrough podium finishes sa 3×3 basketball, soft tennis, sepak takraw, at beach volleyball.
Sa final medal standings, nanguna ang China na may 341 medals, sinundan ng Japan na may 269 medals, at South Korea na may 150 medals.
Opisyal namang isinara ang 20th Asian Games nitong Linggo, October 4, sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium.
Sa closing ceremony, pinangunahan ni Jeus Yape ang Philippine delegation sa Parade of Nations, bago ipinasa ang Asian Games flag sa Doha, Qatar na magiging host ng 21st Asian Games sa 2030.
Ang 29 medals na nakuha ng Pilipinas ngayong edisyon ang pinakamalaking medal haul ng bansa sa Asian Games sa loob ng anim na dekada. #

