Sandara Park, inalala ang impluwensya sa kanya ni Barbie Hsu
Inalala ng miyembro ng K-pop group na 2NE1 na si Sandara Park ang naging impluwensya sa kanya ng namayapang Taiwanese actress na si Barbie Hsu.
Sa isang post sa X (dating Twitter), nag-reply ang naturang K-pop star sa isang video kung saan mapapanood siyang kinakanta ang āNi Yao De Aiā na isa sa mga sikat na theme songs ng hit Taiwanese drama na āMeteor Gardenā kung saan bumida si Hsu.
āRest in peace, Barbie Hsu. I got influenced by you since when I started my career. We will always remember you,ā saad ni Dara sa kanyang reply.
Matatandaang napabalitang pumanaw si Hsu noong February 2, 2025 sa edad na 48 dahil sa influenza-induced pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan kasama ang kanyang pamilya.
Samantala, naihatid nitong Miyerkules sa Taiwan ang abo ng aktres via private jet mula sa Japan. #