Pope Leo XIV, nakabalik na sa Vatican matapos ang lung operation
Nakalabas na ng ospital si Pope Leo XIV nitong Sabado, October 17, matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang kanang baga sa Gemelli Hospital sa Rome, Italy.
Ayon sa Holy See Press, pinayagan nang makalabas ang Santo Papa matapos suriin ng kanyang mga doktor ang resulta ng blood tests at chest X-ray. Inalis sa isinagawang surgery ang ibabang bahagi ng kanyang kanang baga matapos matuklasan ang isang cancerous nodule.
Bago umalis, personal na nagpasalamat ang 70-anyos na lider ng Simbahang Katolika sa surgeon na nagsagawa ng operasyon, gayundin sa mga doktor, nurse at iba pang medical staff na nag-asikaso sa kanya.
Nitong Linggo, October 18, pinangunahan ni Pope Leo XIV ang tradisyunal na Angelus prayer mula sa bintana ng Apostolic Palace sa Vatican. Nagpasalamat din siya sa mga nag-alay ng panalangin para sa kanyang paggaling at sinabing unti-unti niyang ibabalik ang kanyang mga gawain.
“Now that I have overcome this delicate phase, as you know, I will gradually resume my activities, always with God’s help and your prayers,” ani Pope Leo XIV.
Nakatakdang bumisita ang Santo Papa sa South America sa November 6-17, 2026. #
