Pope Francis, nakaranas ng hirap sa paghinga: Vatican
Naglabas ng bagong pahayag ang Holy See Press Office nitong Lunes ng gabi, March 3 tungkol sa kalusugan ni Pope Francis.
Ayon sa ulat, nakaranas ang Santo Papa ng “two episodes of acute respiratory insufficiency” o hirap sa paghinga dahil sa naipong endobronchial mucus sa kanyang bronchi na naging sanhi ng bronchospasm.

Dahil dito, sumailalim ang 88-anyos na pinuno ng Simbahang Katolika sa dalawang bronchoscopy upang alisin ang naipong mucus. Kinailangan din, anilang, ipagpatuloy ang non-invasive mechanical ventilation sa hapon.
Sa kabila nito, nananatiling alerto, mahinahon, at nakikipag-ugnayan sa mga doktor ang Santo Papa.
Wala namang pagbabagong nakita sa kanyang blood test na indikasyon na wala siyang bagong impeksyon.