Plunder case laban kay Romualdez, isinampa ng Ombudsman
Pormal nang sinampahan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa Sandiganbayan ngayong Lunes, September 7.

May kaugnayan ang nasabing kaso sa umano’y kickback scheme ng mga opisyal sa maanomalyang flood control projects sa bansa. Kabilang din sa mga kinasuhan si former Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba pa.
Matatandaang noong July 27, 2026, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang 5th SONA na malapit nang sampahan ng kaso ang kanyang pinsang si Romualdez.
Sa tugon naman ng kongresista, iginagalang aniya ang pahayag ng Pangulo. Iginiit din ng dating Speaker na handa siyang harapin ang mga alegasyon at patunayan ang kanyang pagiging inosente. #
