2 pawikan, nasagip matapos mapadpad sa dalampasigan sa Zambales
By Nissa Alfaro, CLTV36 News
Nasagip ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang pawikan na napadpad sa dalampasigan matapos tangayin ng habagat sa Brgy. La Paz, San Narciso, Zambales.


Ayon sa ahensya, na-rescue ng Pawikan Rangers ang isang 13-centimeter juvenile hawksbill turtle (Eretmochelys imbricata). Sinuri nila ito bago agad na ibalik sa dagat.
Ang isa namang pawikan, na isang 50-centimeter olive ridley (Lepidochelys olivacea), ay nagtamo ng mga malalalim na sugat. Dinala ito sa PawiCare Conservation Site upang magamot at maalagaan bago pakawalan.
Nagbigay naman ng paalala ang DENR sa publiko na agad i-report sa mga otoridad kung may makikitang marine turtles na sugatan o stranded. Huwag umanong hahawakan o papakawalan nang basta-basta ang mga ito at humingi lamang ng tulong sa trained responders. #
