Philippine Airlines, may hanggang 60% off sa mga piling flight ngayong holiday season at 2027 travel
May offer na hanggang 60% discount sa domestic flights ang Philippine Airlines (PAL) sa inilunsad nitong year-end seat sale para sa mga biyaheng hanggang 2027.
Aabot naman sa 40% ang diskwento sa international base fares para sa mga pasaherong magbu-book ng flight simula April 1, 2027.
Para sa mga biyaheng December 1, 2026 hanggang March 31, 2027, may hanggang 40% off sa domestic at 30% naman sa international base fares.
Bukas ang promo booking hanggang sa Linggo, November 15, 2026.
Maaaring mag-book ang mga pasahero sa website at mobile application ng PAL, reservations hotline, ticketing offices, at accredited travel agents.
Saklaw ng diskwento ang piling flights at nakadepende sa availability ng mga upuan. #
