Paglilitis sa kaso ni ex-PDU30, sisimulan sa mga susunod na araw: ICC

Nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) sa The Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte, isang araw matapos arestuhin ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Martes, March 11.
Nag-ugat ang pagkakaaresto kay ex-President Digong sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pre-Trial Chamber I ng naturang hukuman para sa kasong crimes against humanity of murder kaugnay ng madugo niyang kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon sa ICC, noong February 10, 2025 ay naghain ang kanilang Office of the Prosecutor ng aplikasyon para sa warrant of arrest laban kay Duterte dahil sa mga kasong murder, torture, at rape.
Matapos ang pagsusuri, natukoy ng hukuman na may makatwirang batayan na may pananagutan ang dating pangulo bilang āindirect co-perpetratorā kaugnay ng mga nasabing kaso mula November 1, 2011 hanggang March 16, 2019.
Batay sa desisyon ng ICC, nagkaroon umano ng malawakang pag-atake o pagpatay laban sa mga sibilyan bunsod ng binuo niyang Davao Death Squad (DDS) noong siya pa ang alkalde ng naturang lungsod at ang ipinatupad niya sa buong Pilipinas sa ilalim ng kanyang administrasyon bilang Pangulo.
Bagamaāt kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statue noong March 17, 2019, pinanatili ng ICC ang hurisdiksyon nito sa mga umanoāy krimen na ginawa ni ex-PDU30 habang miyembro pa nito ang bansa.
Samantala, isasagawa naman sa mga susunod na araw ang unang pagdinig upang busisiin ang pagkakakilanlan ni Duterte at tiyakin na alam niya ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng batas ng international court. #