Mas maayos at mabilis na serbisyo para sa Bataeño, layon ng DPWH 3rd DEO
Patuloy ang pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bataan sa kanilang pinakabatang opisina, ang 3rd District Engineering Office (DEO).
Kasunod nito ang panunumpa ng mga bagong talagang opisyal at empleyado nitong Lunes, January 13 na pinangunahan nina District Engineer Maribel Navarro at Assistant District Engineer Henry John Morada.
Kabilang din sa mga ito ang 20 na na-promote mula sa Job Order positions at transferees.
Bahagi ito ng organization sa DPWH Bataan 3rd DEO na naglalayon umanong magbigay ng mas maayos na serbisyo gayundin ng mabilis na tugon para sa mga Bataeño.
Pinuri ni Navarro ang mga empleyado para sa kanilang husay, dedikasyon, at talento na dahilan ng kanilang promotion.
Hinimok din niya ang mga ito na gawin ang kanilang tungkulin nang may integridad.
Taong 2022 nang miatatag ang Bataan sub DEO at sa pamamagitan ng Republic Act 12003, ito ay naging 3rd DEO noong Hunyo ng nakaraang taon.