Magnitude 7.8 na lindol, yumanig sa Sarangani; tsunami warning, inilabas ng PHIVOLCS
Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang karagatang bahagi ng Maasim, Sarangani bandang 7:37 AM ngayong Lunes, June 8.

Batay sa latest report ng PHIVOLCS, itinaas sa magnitude 7.8 ang lakas ng pagyanig mula sa unang naitalang magnitude 7.0 matapos ang masusing pagsusuri. Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim itong 33 kilometers.
Dahil sa lakas ng pagyanig, naitala ang Intensity VII sa General Santos City habang umabot naman sa Instrumental Intensity VIII ang naramdaman sa Malapatan.
Nagbabala rin ang mga otoridad sa posibilidad ng mga aftershock kasunod ng lindol.

Samantala, naglabas ng tsunami warning ang PHIVOLCS para sa mga kalapit na baybaying lugar na maaaring maapektuhan ng paggalaw ng dagat dulot ng lindol. Pinapayuhan ang mga residente na agad lumikas patungo sa mas mataas at ligtas na lugar. #
