Lanelle Aira Cajucom ng Nueva Ecija, itinanghal na Miss Pearl of the Orient Philippines 2026
By Vin Dela Peña, CLTV36 News

Nagningning ang husay, confidence, at elegance ng beauty queen mula Nueva Ecija na si Lanelle Aira Cajucom na siyang kinoronahan bilang Miss Pearl of the Orient Philippines 2026 nitong August 14.
Suot ang kanyang fuschia pink terno ball gown, pinabilib ni Cajucom ang judges at manonood sa kaniyang sophisticated at queenly aura.
Bukod sa kanyang head-turning performance sa swimsuit at evening gown competition, tumatak din ang sagot niya sa final Q&A round, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng Filipino values at history bilang gabay ng kabataan sa kasalukuyang panahon.
Samantala, bukod kay Cajucom, nasungkit din ng dalawa pang Central Luzon pride ang mga titulo sa kompetisyon tulad ni Marie Alma Dela Cruz ng Tarlac Province na itinanghal bilang first runner-up, habang si Hanna Crissa Galulu naman ng Tarlac City ang nakakuha ng regional title na Miss Pearl of the Orient – Luzon.
Bagama’t wala pang tiyak na international pageant na sasalihan si Cajucom, sisimulan na raw niya ang kaniyang mga tungkulin bilang titleholder at ambassadress sa ilalim ng Oriental Beauty Philippines Charities, Inc.. #
