2 most wanted, 9 na iba pa, arestado ng Nueva Ecija Police
By Noel Celeste, CLTV36 News
Arestado ang dalawang Most Wanted Persons (MWPs) at siyam na iba pang law offenders sa magkakahiwalay na operasyon ng Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Sabado at Linggo, August 15-16.Â
Naaresto sa magkahiwalay na ‘Manhunt Charlie’ operations sa Cabanatuan City at Quezon City ang isang 33-anyos na lalaki na wanted sa tatlong kaso ng Rape by Sexual Assault at Acts of Lasciviousness, at isang 40-anyos na babae na nahaharap naman sa paglabag sa Republic Act 10883 o ang New Anti-Carnapping Law.
Pito pang wanted persons ang nahuli sa Sto. Domingo, San Antonio, General Natividad, San Jose at Carranglan dahil sa mga kasong estafa, paglabag sa RA 9003, RA 9262 at RA 7610, slight physical injuries at attempted homicide.
Dalawa naman ang nadakip sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa bayan ng Jaen at Cuyapo. Nakumpiska sa kanila ang 4.5 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng tinatayang ₱30,600. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang lahat ng naaresto habang isinasagawa ang kaukulang proseso at paghahanda ng mga kaso laban sa kanila. #
