Interbank transfers sa BPI, libre na simula July 1

Permanente nang aalisin ng Bank of the Philippine Islands o BPI ang singil sa lahat ng interbank fund transfers gamit ang InstaPay at PESONet simula Miyerkules, July 1.
Saklaw ng libreng serbisyo ang mga transaksyong isinasagawa sa BPI App, BPI Online, VYBE, BizKo, at BanKo.
Ayon sa BPI, mahigit 9.5 million BPI App users ang inaasahang makikinabang sa pag-aalis ng transfer fees.
Sa kasalukuyan, may singil na ₱10 para sa bawat InstaPay transfer at ₱50 naman para sa bawat PESONet transfer.
Sinabi ng BPI na ang pag-aalis ng mga bayaring ito ay alinsunod sa mga probisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas Circular No. 1238, series of 2026, na nagsusulong ng mas patas at makatwirang paniningil sa electronic fund transfer services.
Dagdag pa ng BPI, bahagi rin ang hakbang ng pagdiriwang ng kanilang ika-175 anibersaryo ngayong taon. #
