CLTV36 Central Luzon News

Higit 13K pulis ng PRO-III, itatalaga sa iba’t ibang lugar sa Central Luzon para sa Semana Santa 2026

Naka-full alert status na ang Police Regional Office 3 (PRO 3) simula ngayong Lunes, March 30, bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero at deboto para gunitain ang Semana Santa sa rehiyon.

Kasabay nito, pinalawak din ng pulisya ang deployment ng kanilang pwersa. Mula sa unang planong 2,000 na tauhan, itinaas ito sa mahigit 13,000 personnel upang mas mapalakas ang seguridad sa Central Luzon mula March 29 hanggang April 5, 2026.

Binubuo ang kabuuang deployment ng halos 9,000 na pulis, mahigit 1,000 augmentation forces, at tinatayang 3,500 force multipliers at volunteers na tutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga pangunahing lugar na dinarayo ng publiko.

Mas paiigtingin din ang police visibility sa pamamagitan ng dagdag na foot at mobile patrols, habang magtatatalaga naman ng police assistance desks sa mga simbahan, transport terminals, pangunahing lansangan, at iba pang convergence areas.

Magde-deploy rin ng road safety marshals upang tumulong sa daloy ng trapiko at pag-alalay sa mga motorista.

Magsasagawa rin ng serye ng inspeksyon ang regional staff sa mga deployment sites upang tiyakin ang kahandaan at mabilis na pagtugon ng mga tauhan sa anumang insidente, lalo na sa kasagsagan ng mga religious activities. #

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?