Higit ₱366-M halaga ng kush, nasabat sa yate sa Subic
Umabot na sa ₱366.65 million ang tinatayang street value ng kush na nakumpiska ng Bureau of Customs o BOC sa isang distressed sailing yacht sa Subic Bay Yacht Club sa Zambales.
Ayon sa Customs, nadagdagan ng 109 na pakete ng naturang ilegal na droga na tumitimbang ng humigit-kumulang 123.91 kilos ang unang nasabat na kontrabando sa isinagawang follow-up inspection sa naturang yate.


Dahil dito, nasa 198 na pakete na ng kush ang kabuuang nasabat ng mga otoridad mula sa lugar.
Unang nakumpiska ng BOC–Port of Subic nitong Miyerkules, September 2, ang 98.332 kilos ng kush na tinatayang nagkakahalaga ng ₱162.2 million.
Dinala sa PDEA ang mga nakumpiskang ilegal na droga para sa wastong disposisyon at kaukulang legal na proseso.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente at ang posibleng pinagmulan at destinasyon ng naturang shipment. #
