Heat-related injuries sa trabaho, isasama na sa compensable benefits: DOLE
Plano raw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maisama sa mga maaaring makatanggap ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawang maaapektuhan ng matinding init ngayong panahon ng El Niño.
Sa ilalabas na labor advisory ng ahensya, sinabi ni Sec. Francis Tolentino na pormal nang ikokonsiderang ‘compensable’ sa ilalim ng Employees’ Compensation Commission (ECC) ang mga kumpirmadong heat-related injuries o sakit mula sa trabaho gaya ng heat stroke, heat cramps, at heat exhaustion.
Kasabay nito, titiyakin umano ng kagawaran na walang anumang bawas sa sahod ang mga empleyado kahit pa baguhin o bawasan ang kanilang oras ng pagtatrabaho sa labas upang maiwasan ang direktang pagkabilad sa araw.
Saklaw din nito ang mga delivery rider na papayagang magpahinga sa mga itinalagang cooling station nang walang penalty sa kanilang trabaho sakaling magkaroon ng pagkaantala sa paghahatid ng serbisyo dahil sa matinding init. #
