Fare hike sa PUVs, ipinagpaliban ng DOTr
Hindi muna matutuloy ang dagdag-pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kanila raw ipatutupad ang direktiba ng Pangulo na ipagpaliban ang fare hike na nakatakda sana sa Huwebes, March 19, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.
Kaugnay nito, inihahanda na raw ng ahensya ang iba’t ibang programa para makatulong sa mga pasahero at PUV drivers, kabilang ang libreng sakay.
Nakausap na rin umano ni DOTr Secretary Banoy Lopez ang mga toll operator para sa pagpapatupad ng toll discount.
Bukod dito, minamadali na rin ng kagawaran ang paglalabas ng fuel subsidy para sa mga kwalipikadong driver at operator bilang dagdag na tulong. #
