Alex Eala, panalo kontra Oleksandra Oliynykova sa Round 2 ng US Open 2026
By Vin Dela Peña, CLTV36 News
Nagpatuloy ang strong run ni Alex Eala sa US Open 2026 matapos pataubin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa second round ng torneo sa Louis Armstrong Stadium sa New York ngayong Biyernes, September 4.
Agad na kinontrol ni Eala ang laban at isinara ang opening set sa loob lamang ng 23 minuto.

Una namang lumamang si Oliynykova sa pagbubukas ng second set bago muling maagaw ni Eala ang momentum at tuluyang selyuhan ang panalo, 6-1, 6-4.
Revenge win kung ituring ng fans ni Eala ang panalong ito, matapos siyang talunin ni Oliynykova sa kanilang huling pagkikita sa Strasbourg Open noong Mayo.
Dahil sa panalong ito, aabante si Eala sa Round of 32, kung saan makakaharap niya ang World No. 14 na si Iva Jovic ng United States.
Hindi rin ito ang magiging unang laban ng dalawang tennis stars, dahil nagharap na sila sa French Open at HSBC Championships bilang senior players, kung saan parehong nanaig si Jovic. #
