Discounted airfare ng PAL para sa piling holiday at 2027 flights, tatagal hanggang Nov. 15
Sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin at pamasahe, may pagkakataon pang makatipid ang mga biyahero na nagpaplanong bumiyahe mula ngayong December hanggang sa susunod na taon.
Hanggang ngayong Linggo, November 15, na lang ang year-end seat sale ng Philippine Airlines.

Sa ilalim ng promo, may up to 40% off sa domestic at 30% off sa international base fares para sa mga biyaheng December 1, 2026 hanggang March 31, 2027.
Mas malaki naman ang discount kung bibiyahe simula April 1, 2027 onwards dahil aabot ito sa up to 60% off sa domestic at 40% off sa international base fares.
Paalala lang sa mga biyahero, base fare lang ang may discount, depende sa seat availability, at hindi pa kasama ang tax at iba pang fees.
Mabibili ang discounted tickets sa website at mobile app ng PAL, pati na sa mga ticketing office at accredited travel agents. #
