6 Central Luzon nursing graduates, topnotcher sa PNLE; HAU, kabilang sa Top Performing Schools
By Kath Chiang, CLTV36 News
Pasok sa listahan ng mga topnotcher ng August-September 2026 Philippine Nurses Licensure Examination (PNLE) ang anim na nursing graduates mula Central Luzon.
Kabilang dito ang Rank 5 na si Marc Adriel Pedregosa Danan ng Bataan Peninsula State University (BPSU) Main Campus, na nakapagtala ng 91.40% rating.
Samantala, Rank 7 si Paul Anthony Beredo De Guzman ng Araullo University, na may score na 91.00%.
Nasa Rank 9 naman sina Shekinah Lei Bernardo Delos Santos ng Wesleyan University Philippines sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, at Kim Cherie Remorin Garcia ng BPSU Main Campus, na parehong nakapagtala ng 90.60%.
Kapwa Rank 10 sina Myla Joy Ocampo Estrella ng Bulacan State University (BulSU) Main Campus at Fiona Mae Chico Mallari ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST), na nakakuha ng 90.40%.
Samantala, kabilang rin ang Holy Angel University (HAU) sa top performing schools matapos makapagtala ng 98.46% passing rate sa mga paaralang may 100 o higit pang examinees. Rank 9 ang HAU sa naturang kategorya. #
