4 na exotic tarantula, nasagip sa Olongapo
By Aebriel Bengco, CLTV36 News intern
Apat na rescued exotic tarantula ang ipinagkatiwala sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos i-turnover ng Philippine National Police Maritime Group sa Olongapo City, Zambales nitong Huwebes, August 13.
Kabilang sa mga nasagip ang Chaco golden knee, Mexican flame, Mexican fireleg, at curly hair tarantulas.




Matapos ang dokumentasyon, dinala ang mga ito sa Wildlife in Need (WIN) Rescue Center para sa pagsusuri, pangangalaga, at pansamantalang pag-iingat habang tinutukoy ang nararapat na disposisyon.

Ayon sa DENR, mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensya sa pagpapatupad ng Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, na nagre-regulate sa pagmamay-ari, pagbiyahe, at pangangalakal ng wildlife.
Hinimok naman ng DENR ang publiko na i-report sa ahensya ang anumang nasagip o nakumpiskang wildlife. #
