₱247-K ‘unregistered’ cosmetic products, kinumpiska sa Angeles City; 3 suspek, inaresto
Tatlong suspek, kabilang ang isang Vietnamese, ang inaresto matapos ang ilegal na pagbebenta ng alleged unregistered cosmetic products sa isang beauty clinic sa Brgy. Balibago, Angeles City.
Sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) katuwang ang iba pang ahensya nitong May 7, hinuli sina “Phan”, Vietnamese at manager ng beauty clinic at mga empleyadong sina alyas “Aida” at “Kim”. Kinumpiska rin sa kanila ang iba’t ibang cosmetic at beauty products na diumano’y hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).

Tinatayang aabot sa ₱247,000 ang halaga ng mga ibinebentang produkto tulad ng injectable skincare, whitening creams, hair care treatments, vitamins at supplements, chemical peeling agents, herbal products, at iba pang medical supplies.
Ayon pa sa CIDG, ilegal ang pagpapatakbo sa clinic dahil sa kawalan nito ng kinakailangang License to Operate (LTO).
Hinihikayat naman ng ahensya ang publiko na maging maingat sa pagbili ng cosmetic at health products. Agad din umanong i-report sa kanila ang mga kahina-hinalang retailer o mga posibleng counterfeit storage facility. #
