Prusisyon sa Bulacan, gumamit ng AI sa pagdarasal
Naging usap-usapan online ang isang Good Friday procession na ito sa Brgy. Calvario sa Meycauayan, Bulacan.
Sa unang tingin, aakalain mong simpleng prusisyon lamang ito.
Pero kung pakikinggang mabuti, AI-generated na audio ang ginamit sa pagdadasal at pagdadala ng relihiyosong imahen.
Ayon sa uploader ng video na si Rex Soria, may ilang bystander sa lugar na nagtataka kung bakit recorded ang dasal at hindi galing sa aktwal na boses ng tao.
Aniya, marami ang nalito dahil hindi raw pamilyar ang karamihan sa mga ganitong teknolohiya.
Bagama’t ilang deboto ang nagsabing naging maayos ang daloy ng prusisyon, naisantabi naman ang karaniwang banal na selebrasyon ng Biyernes Santo dahil sa hindi inaasahang teknolohiyang ginamit.
Bilang isang Katoliko, ipinahayag ni Rex ang kanyang pangamba sa paggamit ng AI sa mga ganitong okasyon.
Minsan sa isang taon lamang daw nagpprususisyon kaya mas mainam sana kung aktwal na boses ng tao ang nirecord nila.
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 156,000 reactions at halos 2 million views sa TikTok ang nasabing video. #
