4,000 parol na gawang Kapampangan, magpapailaw sa mga lansangan ng Quezon City ngayong Pasko
Mistulang lantern factory ang buong Barangay Laput sa Mexico, Pampanga dahil sa dagsa ng orders para sa kanilang mga likhang parol.


Tinatayang 4,000 street lanterns na gawa ng mga Kapampangan ang magbibigay-liwanag sa mga pangunahing lansangan at iba’t ibang distrito ng Quezon City ngayong kapaskuhan.


Bukod sa makukulay na disenyo, tampok din ang paggamit ng organikong materyales tulad ng abaka at pinatuyong katawan ng puno ng saging.
Isa sa mga nasa likod ng mga disenyong ito ang Gen Z Kapampangan lantern designer na si Michael Nuqui, operations manager ng GMCN Enterprise.

Ayon kay Nuqui, malaking oportunidad ang proyekto para sa komunidad dahil nagbibigay ito ng trabaho at dagdag-kabuhayan sa mga residente, mula senior citizens hanggang kabataan.


Kasama rin sa proyekto ang Christmas decorations para sa Quezon City Hall.
Para sa Kapampangan lantern makers, higit pa sa dekorasyon, bawat parol ay sumasalamin sa talento, kabuhayan, at mayamang tradisyon ng Pampanga sa paggawa ng parol. #
