5 Most Wanted Persons na sangkot sa rape at drugs, arestado
By Jam Gomez, CTV36 News intern
Limang most wanted criminals sa Central Luzon ang naaresto sa magkakasabay na operasyon ng Police Regional Office 3 (PRO 3) nitong Lunes, March 3.
Sa Bulacan, huli sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte ang 29 years old na lalaking kinilalang si Kayshene Gabuan Montebon na Top 8 Most Wanted sa lalawigan dahil sa kasong Statutory Rape na walang piyansa.

Sa Brgy. West Bajac-Bajac, Olongapo City, nadakip si Ariel Ramos Alog na Top 4 Most Wanted sa rehiyon dahil sa Qualified Rape at Acts of Lasciviousness.

Samantala, sa Nueva Ecija naman nasakote ng pulisya si Dick Bernardino Matic sa Brgy. Bakod Bayan, Cabanatuan City na may kasong Statutory Rape at violation sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Habang sa Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, nahuli si Marcial Tuazon Bueneventura na Most Wanted sa rehiyon para sa kasong Statutory Rape.

Inaresto rin ang Top 5 Most Wanted sa Pampanga na si Reyneir Luna Halili sa Brgy. Sto. Niño, City of San Fernando dahil naman sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Patuloy ang ginagawang panghihikayat ng PRO 3 sa publiko na iulat sa kanila ang anumang impormasyong makatutulong sa paglaban sa kriminalidad.