fbpx
NEWS National News

4 na kongresista ng Pampanga, dinipensahan si Duterte laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court

Courtesy: PTV

19 na kongresista ang naghain ng resolusyon upang protektahan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa kanyang madugong War on Drugs.

Kabilang sa mga ito ang 4 na kinatawan mula sa Pampanga — si dating pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker at 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, House Deputy Speaker at Pampanga Third District Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales, Pampanga 1st District Rep. Carmelo ‘Jonjon’ Lazatin II, at 4th District Representative Anna York Bondoc Sagum.

Sa resolusyon, iginiit ng mga mambabatas na ang Pilipinas ay mayroong functioning at independent judicial system.

Matatandaan nitong Enero, pinahintulutan ng mga hukom ng ICC ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng extrajudicial killings sa Pilipinas at ayon sa administrasyong Marcos, dapat hayaan ng ICC ang bansa na lutasin ang isyu ng War on Drugs ng administrasyong Duterte sa ilalim ng maayos nitong sistema ng hustisya na nagbibigay-daan tungo sa pagpapanagot sa mga salarin.

Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pagpapatuloy sa imbestigasyon ay hindi katanggap-tanggap at isang insulto.

Sa tala ng mga Human Rights Watch, higit 12,000 katao ang napatay sa kasagsagan ng War on Drugs. may ilan pang mga grupong nagsasabi na umabot sa higit 17,000 katao ang nasawi.

Sa datos naman ng Philippine Drug Enforcement Agency, naitala sa 6,248 ang bilang ng mga napatay sa kasagsagang ng mga anti-illegal drugs operations.

Kabilang sa mga ito ang 17 anyos na si Kian Delos Santos noong 2017. Matapos ang isang taon, hinatulan ng guilty sa kasong murder ang tatlong pulis na pumatay sa kalunos-lunos na binatilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

How would you rate your satisfaction with our website?*

Do you have any comments, questions, and concerns?