3 drug suspects, arestado sa buy-bust operation sa Plaridel
By Noel Celeste, CLTV36 News
Tatlong lalaki ang naaresto sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Bulihan, Plaridel, Bulacan madaling-araw ngayong Lunes, October 12.
Ayon sa Bulacan Police Provincial Office, nahuli ang mga suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng suspected shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng ₱500. Nasamsam sa operasyon ang limang grams ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng ₱34,000.
Na-recover din mula sa mga suspek ang apat pang sachet ng nasabing illegal drugs, isang kalibre .22 na revolver na walang serial number, at apat na bala.
Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa drug testing at laboratory examination.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

