Warrant of arrest laban kay ex-Rep. Dong Gonzales, binawi matapos magpiyansa
Nagpiyansa ng ₱90,000 si former Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Jr. para sa one count ng paglabag sa Section 3(h) ng Republic Act No. 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Batay sa kautusan ng Sandiganbayan Second Division, naghain ng kaso ang Office of the Ombudsman nitong Biyernes, October 16, at naglabas din ng warrant of arrest laban kay Gonzales.
Inaprubahan naman ng korte ang kanyang cash bail at iniutos ang pagbawi sa warrant of arrest at pagpapalaya sa kanya sa ilalim ng piyansa.
Inaakusahan ang noo’y House Senior Deputy Speaker ng umano’y conflict of interest sa mga infrastructure project ng pamahalaan.
Nahaharap din ang dating kongresista sa dalawa pang counts ng graft na ini-raffle sa Third at Seventh Division ng Sandiganbayan. #
