Smuggled agri products, sinira ng Customs sa Subic
Nasa limang container ng smuggled agricultural products na kinabibilangan ng frozen meat, isda, prutas, gulay, at iba pang perishable items ang sinira ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Subic nitong August 15.
Ayon sa BOC, nakumpiska ang mga kargamento matapos matuklasang walang kaukulang phytosanitary certificate, na lumalabag sa patakaran ng Department of Agriculture at sa Customs Modernization and Tariff Act.

Binanggit ng ahensya na ang hakbang ay bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa smuggling upang mapanatiling ligtas ang publiko.
Binigyang-diin din na ang mga ipinuslit na agricultural products ay maaaring magdala ng seryosong panganib sa kalusugan at hindi dapat makapasok sa merkado.
Dagdag pa ng BOC, magsisilbi itong babala sa mga smuggler na hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang iligal na kalakalan, at patuloy na paiigtingin ang pagbabantay para sa kaligtasan ng mga mamamayan. #
