Science and Tech Hub, itatayo sa Abucay, Bataan
Isang bagong pasilidad na naglalayong palakasin ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ang nakatakdang buksan sa bayan ng Abucay, Bataan.
Sa ulat ng Philippine Information Agency Region Three (PIA-3), nakipag-partner na ang Department of Science And Technology sa Department of Education (DepEd) Bataan para sa pagtatayo ng Innovations for Community Empowerment Thru Science and Technology (CEST) Education Entry Point (iCEP) hub sa nasabing bayan.

Pinondohan ang proyekto sa pamamagitan ng CEST program at inaasahang makapagbibigay ito ng pagsasanay para sa mga guro at mag-aaral sa larangan ng siyensya. Maglalaman umano ang hub ng robotics kits at 3D printing machines na magagamit sa higit na pagpapahusay ng pagbibigay kaalaman sa mga learner.
#