Presyo ng diesel, posibleng tumaas sa susunod na linggo; gasolina, muling bababa

Posibleng magpatupad ng dagdag-presyo sa diesel habang may bawas naman sa gasolina ang ilang oil companies sa bansa sa susunod na linggo, batay sa monitoring ng Mean of Platts Singapore (MOPS).
Tinatayang tataas ng ₱4 hanggang ₱4.50 ang kada litro ng diesel habang asahan ang ₱1 hanggang ₱1.50 na pagbaba sa per liter ng gasoline.
Ayon sa isang industry source, nakaapekto sa galaw ng presyo ang pagkaantala ng supply ng langis sa World Market, gayundin ang umiiral na tensyon sa Middle East at mga banta sa pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.
Samantala, may senyales naman ng pagbaba sa presyo ng oil products sa mga huling araw ng trading, kaya maaari pang lumiit ang taas-presyo sa diesel at mas lumaki pa ang rollback sa gasolina.
Ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na price adjustment sa Lunes, June 8, bago ito ipatupad kinabukasan. #
