Power disconnection, bawal muna: Energy Regulatory Commission
Pansamantalang pinasuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang power disconnection sa mga residential at non-residential consumers na hindi makababayad ng kanilang electric bill mula May hanggang July 2026.


Ayon sa ERC, layon ng hakbang na mabigyan ng ginhawa ang mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente. Sa halip na agad maputulan, maaari munang bayaran ang kanilang obligasyon sa pamamagitan ng installment scheme.
Pinapayagan ang mga consumer na hulugan ang kanilang bayarin sa loob ng hanggang tatlong buwan. Mayroon ding flexible payment arrangements, lalo na para sa mga gumagamit ng hindi hihigit sa 200 kilowatt-hours kada buwan.
Samantala, pinapayagan din ang mga distribution utilities na ipagpaliban ang kanilang pagbabayad ng hanggang tatlong buwan. Paghahatian naman ng power generators ang kaakibat na gastos upang hindi agad maipasa sa mga consumer ang dagdag na bayarin.
Ipinaliwanag ng ERC na bahagi ito ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng kuryente, na pinalala pa ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East. #
