Pinatubo commemoration sa Pampanga, pinuri ni ex-Sen. Gordon
Humanga si dating Senator Richard “Dick” Gordon sa aktibong paglulunsad ng mga Kapampangan ng mga aktibidad para sa paggunita ng pagputok ng Mt. Pinatubo.

Sa isang forum na inorganisa ng Center for Kapampangan Studies sa Holy Angel University nitong Martes, June 9, sinabi ni Gordon na mahalagang manatiling buhay ang mga kwento ng pamumuno at pagbangon ng mga komunidad mula sa trahedya ng lahar.
Dating alkalde ng Olongapo City si Gordon nang pumutok ang nasabing bulkan noong June 15, 1991. Sa panahong ito, naging aktibo siya sa pagtugon sa kalamidad hindi lamang sa Zambales kundi sa buong Central Luzon.
Aniya, ang paggunita ay dapat magsilbing paalala sa mga kabataan ukol sa kahalagahan ng disaster preparedness at mabilis na aksyon.

Gayunman, sinabi ni Gordon na nakalulungkot na tila Pampanga lamang ang may malakas at organisadong pagpapahalaga sa commemoration ng Pinatubo eruption, gayong maraming lugar din sa Central Luzon ang naapektuhan ng pagsabog, abo, at lahar. #
