Pilipinas, bagong “preferred destination” sa SEA ng investors: PEZA
By Karylle Garcia, CLTV36 News intern
Tinagurian ang Pilipinas bilang “plus one preferred destination” ng Chinese firms na nagbabalak magpalawak ng kanilang kumpanya sa Southeast Asia, ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga.

“We all have these favorable conditions that indeed can make the Philippines as the new ‘plus one’ destination for China-based manufacturers wanting to export to the US and European Union,” paliwanag ni Panga.
Dagdag ng PEZA Chief, maraming Chinese at multinational companies ang interesadong magpalawak ng kanilang negosyo sa Pilipinas sa kabila ng polisiya ng United States government na maglagay ng 20% tariff sa lahat ng angkat o imports mula China.

Ang ulat na ito ay mula sa ginanap na Philippine-China investment meetings sa Xiamen, Chongqing, Shenzhen, at Dongguan kung saan dumalo ang mahigit-kumulang 220 investors.
Sa kasalukuyan, nakarehistro ang 118 Chinese companies na lumikha ng 16,237 jobs sa bansa. #